Until recently, I never saw or tasted fresh cherries. I'm used to the bright red bottled kind that is a constant garnish on ice creams and cocktail drinks. Seeing one for the first time resulted to some funny conversations.
C: Gusto mo?
Me: Ano yan?
C: Hulaan mo.
Me: (looking at a dark looking fruit) Ay duhat. Di ako kumakain ng duhat.
C: Di yan duhat. Tikman mo.
Me: Ayoko nga. Duhat yan, baka mapakla pa.
C: Hindi nga yan duhat. I-try mo na.
Me: (after one bite) Ang sarap naman. Ano to?
C: Cherry!
Me: As in, yung fresh? E, bakit hindi pula?
C: Malay ko. Binigay lang sa akin yan.
I went to the source of the cherries.
Me: Ang sarap naman ng cherries mo.
D: Oo nga. Freshly picked kasi. Konti nga lang napadala kasi siningit lang sa hand carry.
Me: Fresh talaga sya? E bakit hindi red?
D: Red lang sya pag hindi pa hinog. Pero pag ripe na talaga sya, dark red na.
Me: Ganon?
D: Ganon talaga yun. Gusto mo pa? (offering me her bag of cherries)
I brought some cherries home for Mamu.
Me: Mamu, pasalubong for you.
M: Ano yan?
Me: Hulaan mo?
M: Uy duhat! Tagal ko na di nakakain nito.
M: Uy duhat! Tagal ko na di nakakain nito.
Me: Di yan duhat! Ano akala mo sa akin, small time?
M: E, ano to?
Me: Tikman mo muna.
M: (after one cherry) Masarap! Ano to, imported na duhat?
Me: Hindi nga yan duhat!
M: E, ano to?
Me: Fresh cherries.
M: Cherry to? E, bakit hindi pula?
Me: Pula lang sya pag hindi pa hinog. Pag fully ripe na sya, ganyan na yung kulay.
M: Ganun ba yun?
Me: (sounding very knowledgeable) Ganon talaga yun.
M: Ahhh... Ipunin mo yung buto, itatanim ko.