Until recently, I never saw or tasted fresh cherries.  I'm used to the bright red bottled kind that is a constant garnish on ice creams and cocktail drinks.  Seeing one for the first time resulted to some funny conversations.
C: Gusto mo?
 Me: Ano yan?
C: Hulaan mo.
Me: (looking at a dark looking fruit) Ay duhat.  Di ako kumakain ng duhat.
C: Di yan duhat.  Tikman mo.
Me: Ayoko nga.  Duhat yan, baka mapakla pa.
C: Hindi nga yan duhat.  I-try mo na.
Me: (after one bite) Ang sarap naman.  Ano to?
C: Cherry!
Me: As in, yung fresh?  E, bakit hindi pula?
C: Malay ko.  Binigay lang sa akin yan.  
I went to the source of the cherries.
Me: Ang sarap naman ng cherries mo.
D: Oo nga.  Freshly picked kasi. Konti nga lang napadala kasi siningit lang sa hand carry.
Me: Fresh talaga sya?  E bakit hindi red?
D: Red lang sya pag hindi pa hinog.  Pero pag ripe na talaga sya, dark red na.
Me: Ganon?
D: Ganon talaga yun.  Gusto mo pa? (offering me her bag of cherries)
I brought some cherries home for Mamu.
Me:  Mamu, pasalubong for you.
M:  Ano yan?
Me:  Hulaan mo?
M: Uy duhat! Tagal ko na di nakakain nito.
M: Uy duhat! Tagal ko na di nakakain nito.
Me:  Di yan duhat!  Ano akala mo sa akin, small time?
M:  E, ano to?
Me:  Tikman mo muna.
M:  (after one cherry) Masarap!  Ano to, imported na duhat?
Me:  Hindi nga yan duhat!
M:  E, ano to?
Me:  Fresh cherries.
M:  Cherry to? E, bakit hindi pula?
Me:  Pula lang sya pag hindi pa hinog.  Pag fully ripe na sya, ganyan na yung kulay.
M:  Ganun ba yun?
Me:  (sounding very knowledgeable) Ganon talaga yun.
M:  Ahhh... Ipunin mo yung buto, itatanim ko.


